Paano nakakaanib ang mga Kaanib sa Iglesia ng Diyos International sa Iglesia ng Diyos na itinayo ng ating Panginoong Jesu Cristo noung siglo:
Paano nakakaanib ang mga Kaanib sa Iglesia ng Diyos International sa Iglesia ng Diyos na itinayo ng ating Panginoong Jesu Cristo noung siglo:
Unang Tanong nagtayo ba ang ating Panginoong Jesu Cristo ng Iglesia:
Mateo 16:18
"At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesia; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya."
-----
Ano Pangalan ng Iglesia na itinayo ng ating Panginoong Jesu Cristo:
Mga Gawa 20:28 NASB
" Ingatan ninyo ang inyong sarili, at ang buong kawan, na sa kanila'y ginawa kayo ng Espiritu Santo na mga obispo, upang pakanin ninyo ang iglesia ng Diyos na binili niya ng kaniyang sariling dugo"
------
Ano Katunayan na tinawag ito sa katawagang Iglesia ng Diyos :
1 Mga Taga Corinto 1:1-2
"Si Pablo, na tinawag na maging apostol ni Jesucristo sa pamamagitan ng kalooban ng Dios, at si Sostenes na ating kapatid, Sa iglesia ng Dios na nasa Corinto, sa makatuwid baga'y sa mga pinapagingbanal kay Cristo Jesus, na tinawag na mangagbanal, na kasama ng lahat ng mga nagsisitawag sa bawa't dako, sa pangalan ng ating Panginoong Jesucristo, na kanila at ating Panginoon:"
Kaya Iglesia ng Diyos ang Opesyal na pangalan ng Iglesia na itinayo ng ating Panginoong Jesu Cristo noung unang siglo sa Jerusalem.
------
Ngayon patay na ang mga apostol ni Cristo ,paano tayo makakarinig ng dalisay na aral at makakasangkap sa Iglesia:
Ang mga Gentil ay mga tagapagmana at kasangkap ng Katawan o Iglesia at mga may bahagi sa pangako na kay Cristo sa pamamagitan ng evangelio .
kaya ang paraan para magkaroon tayo ng bahagi at kasangkap ng Iglesia ay sa pamamagitan ng aral ng evangelio:
Mga Taga-Efeso 3:6 TLAB
"Na ang mga Gentil ay mga tagapagmana, at mga kasangkap ng katawan, at mga may bahagi sa pangako na kay Cristo Jesus sa pamamagitan ng evangelio."
-------
Ngayon paano nakarating ang evangelio sa ating panahon:
1 Mga Taga Tesalonica 1:5
"Kung paanong ang aming evangelio ay hindi dumating sa inyo sa salita lamang, kundi sa kapangyarihan din naman, at sa Espiritu Santo, at sa lubos na katiwasayan; na gaya ng inyong nalalaman kung anong pagkatao namin ang aming ipinakita sa inyo dahil sa inyo."
Ang sabi ng apostol Pablo ang aming evangelio ay hindi dumating sa salita lamang kundi sa kapangyarihan din naman at sa espiritu Santo at sa lubos na katiwasayan.
------
Bakit hindi ito dumating sa salita lamang?
2 Mga Taga Tesalonica 2:14-15
"Sa kalagayang ito'y tinawag niya kayo sa pamamagitan ng aming evangelio, upang magkamit ng kaluwalhatian ng ating Panginoong Jesucristo. Kaya nga, mga kapatid, kayo'y mangagpakatibay, at inyong panghawakan ang mga aral na sa inyo'y itinuro, maging sa pamamagitan ng salita, o ng aming sulat."
Paano itinawid ng mga apostol ang evangelio sa ating panahon sa pamamagitan ng salita o ng aming sulat :
Ang mga aral ng evangelio na isinulat ng mga apostol ito nakarating sa ating panahon.
------
Nagsasalita ang mga apostol sa ating panahon sa pamamagitan ng kanilang mga isinulat :
2 Mga Taga Corinto 10:10-11
"Sapagka't, sinasabi nila, Ang kaniyang mga sulat, ay malaman at mabisa; datapuwa't ang anyo ng kaniyang katawan ay mahina, at ang kaniyang pananalita ay walang kabuluhan. Bayaang isipin ng isang gayon ito, na, kung ano kami sa pananalita sa mga sulat pagka kami ay wala sa harapan, ay gayon din kami naman sa gawa pagka kami ay nahaharap."
Upang sa pamamagitan ng kanilang mga isinulat ay matuto tayo sa kanila sa mga apostol ni Cristo na humav magsihigit sa mga bagay na nangasusulat
1 Mga Taga Corinto 4:6
" Ang mga bagay ngang ito, mga kapatid, ay inianyo ko sa halimbawa sa aking sarili at kay Apolos dahil sa inyo; upang sa amin ay mangatuto kayo na huwag magsihigit sa mga bagay na nangasusulat; upang ang sinoman sa inyo ay huwag magpalalo ang isa laban sa iba."
------
Ano ang sabi ng mga apostol sa kanilang mga isinulat :
1 Juan 1:3-4
"Yaong aming nakita at narinig ay siya rin naming ibinabalita sa inyo, upang kayo naman ay magkaroon ng pakikisama sa amin: oo, at tayo ay may pakikisama sa Ama, at sa kaniyang Anak na si Jesucristo: At ang mga bagay na ito ay aming isinusulat, upang ang ating kagalakan ay malubos."
Ibinabalita ng mga apostol ang aral ng evangelio na kanilang nakita at narinig upang tayo naman ay magkakaroon ng pakikisama sa kanila at tayo ay may pakikisama sa Ama at sa kaniyang Anak na si Jesu Cristo nilubos ng mga apostol ang pagbabalita sa pamamagitan ng kanilang mga isinusulat .
------
Ngayon paano tayo makakasangkap sa tunay na Iglesia sa pamamagitan ng evangelio na isinulat ng mga apostol.
Apocalipsis 1:3
" Mapalad ang bumabasa, at ang nangakikinig ng mga salita ng hula, at tumutupad ng mga bagay na nangasusulat doon: sapagka't ang panaho'y malapit na."
Mapalad ang bumabasa at ang nangakikinig ng mga salita ng hula at tumutupad ng mga bagay na nangasusulat doon.
Ang paraan para makasangkap tayo sa tunay Iglesia ay makikinig tayo at tutuparin natin ang mga aral ng evangelio na kanilang isinulat sa ganitong paraan makakasangkap tayo sa iglesia na itinayo ng ating Panginoong Jesu Cristo.
Ano kapalaran ng mga tumutupad at nakikinig ng aral ng evangelio:
Mateo 7:24
" Kaya't ang bawa't dumirinig ng aking mga salitang ito at ginaganap, ay matutulad sa isang taong matalino, na itinayo ang kaniyang bahay sa ibabaw ng bato:"
------
Paano maitatayo sa ibabaw ng Bato?
Efeso 2:19-22
" Kaya nga hindi na kayo mga taga ibang lupa at mga manglalakbay, kundi kayo'y mga kababayan na kasama ng mga banal, at sangbahayan ng Dios, Na mga itinatayo sa ibabaw ng kinasasaligan ng mga apostol at ng mga propeta, na si Cristo Jesus din ang pangulong bato sa panulok;Na sa kaniya'y ang buong gusali, na nakalapat na mabuti, ay lumalago upang maging isang templong banal sa Panginoon; Na sa kaniya'y itinayo naman kayo upang maging tahanan ng Dios sa Espiritu."
Kaya sa pamamagitan ng pagtupad sa mga aral ng evangelio na nakasulat sa Biblia ay maitatayo tayo sa ibabaw ng kinasaligan ng mga apostol at mga propeta na si Cristo Jesus din ang pangulong bato sa panulok ,na mga itinayo upang maging tahanam ng Diyos sa Espiritu.
-------
Ito rin ang paraan sa unang Bayan ng Diyos kung gusto mo mabilang sa Bayang israel ng una tutuparin mo ang isang kautusan na nakasulat at isang ayos gaya ng tinutupad ng mga israelita :
Mga Bilang 15:15-16
"Sa kapisanan ay magkakaroon ng isang palatuntunan sa inyo, at sa taga ibang bayan na nakikipamayan sa inyo, isang palatuntunan magpakailan man sa buong panahon ng inyong mga lahi: kung paano kayo, ay magiging gayon din ang taga ibang bayan sa harap ng Panginoon. Isang kautusan at isang ayos ay magkakaroon sa inyo, at sa taga ibang bayan sa nakikipamayan sa inyo."
-------
Ang patunay na nakasalalay sa paguipad ng mga salita ng Panginoon o aral ng evangelio na nakasulat sa Banal na Kasulatan ang susi sa pagiging Bayan ng Diyos.
Ito ang Pangako ng Panginoon sa mga gaganap o tutupad at lalakad sa kanyang mga daan.
Deuteronomio 28:9
" Itatatag ka ng Panginoon na isang banal na bayan sa kaniya, gaya ng kaniyang isinumpa sa iyo; kung iyong gaganapin ang mga utos ng Panginoon mong Dios, at lalakad ka sa kaniyang mga daan. "
Comments
Post a Comment