REPRESENTASYON ANG IMAHEN NA GINAWA NG MGA KATOLIKO
Bakit hindi nalulugod ang Diyos naigawa natin siya ng larawang inanyuan o Imahen na maging kanyang prepresintasyon?
Ang Bayang Israel ng una ay gumawa ng larawang inanyuan sa anyo ng gintong guya na maging represintasyon ng Diyos ng Israel.
ipinagpista nila ang Panginoon sa pamamagitang gintong guya na nagsasabi bukas ay pista sa Panginoon:
Exodus 32:4-6
" At kaniyang tinanggap sa kanilang kamay, at niyari sa pamamagitan ng isang buril, at ginawang isang guyang binubo, at kanilang sinabi, Ang mga ito ang maging iyong mga dios, Oh Israel, na nagsampa sa iyo mula sa lupain ng Egipto.At nang makita ito ni Aaron, ay nagtayo siya ng isang dambana sa harapan niyaon: at itinanyag ni Aaron at sinabi, Bukas ay pista sa Panginoon.At sila'y bumangong maaga nang kinabukasan, at naghandog ng mga handog na susunugin, at nagdala ng mga handog tungkol sa kapayapaan; at ang bayan ay umupong kumain at uminom, at tumindig upang magkatuwa.-"
Natuwa ba ang Diyos sa kanilang ginawa na kanilang ipinagpista ang Panginoon.
Hindi???
Manapa nagalit ang Panginoon sa kanilang ginawa Ito ang ating mababasa:
Eixodus 32:9-10
"At sinabi ng Panginoon kay Moises, Aking nakita ang bayang ito, at, narito, isang bayang may matigas na ulo; :Ngayo'y bayaan mo nga ako upang ang aking pagiinit ay magalab laban sa kanila, at upang aking lipulin sila: at ikaw ay aking gagawing dakilang bansa."
At sila ay pinalipol ng Diyos kay Propeta Moses sa pamamagitan ng mga angkan ni Levi atsa araw na iyon tatlong libong katao ang nabuwal.
Exodus 32:26-28
"Ay tumayo nga si Moises sa pintuang-daan ng kampamento, at nagsabi, Sinomang sa Panginoon ang kiling ay lumapit sa akin. At lahat ng mga anak ni Levi ay nagpipisan sa kaniya. At sinabi niya sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel: Ipatong ng bawa't lalake ang kaniyang tabak sa kaniyang hita, at yumaon kayong paroo't parito sa mga pintuang-daan, sa buong kampamento, at patayin ng bawa't lalake ang kaniyang kapatid na lalake, at ng bawa't lalake ang kaniyang kasama, at ng bawa't lalake ang kaniyang kapuwa. At ginawa ng mga anak ni Levi ang ayon sa salita ni Moises: at nabuwal sa bayan ng araw na yaon, ang may tatlong libong katao."
------
Maging ang tansong ahas na pinagawa ng Panginoon kay Propeta Moses ng sinamba ito at pinagsunugan ng mga hain ng mga anak ni Israel nagalit ang Panginoon at ito ay pinadurog.sa pamamagitan ni Haring Ezechias.
2 Mga Hari 18:4
"Ipinagiba niya ang mga dambana sa mga sagradong burol at ipinasira ang mga sinasambang haligi, pati ang rebulto ni Ashera. Dinurog din niya ang tansong ahas na ginawa ni Moises na kung tawagin ay Nehustan sapagkat hanggang sa panahong iyon ay pinagsusunugan pa nila ito ng insenso."
Ito rin ngayon ang ginagawa ng Iglesia Katolika pinagsusunugan nila ng insenso at pinagtitirikan nila ng kadela ang kanilang mga imahen at inaalayan ng kung ano-anong alay sa altar.
Deuteronomio 27:15
"Sumpain ang taong gumagawa ng larawang inanyuan o binubo, bagay na karumaldumal sa Panginoon, na gawa ng mga kamay ng manggagawa, at inilagay sa dakong lihim. At ang buong bayan ay sasagot at magsasabi, Siya nawa."
------
Ang tawag sa mga larawang inanyuan na ito na gawa sa ginto, pilak, tanso, bato at kahoy ay diosdiosan :
Apocalipsis 9:20
" At ang nalabi sa mga tao, na hindi napatay sa mga salot na ito, ay hindi nagsipagsisi sa mga gawa ng kanilang mga kamay, upang huwag sumamba sa mga demonio, at sa mga diosdiosang ginto, at pilak, at tanso, at bato, at kahoy; na hindi nangakakakita, ni nangakaririnig man, ni nangakalalakad man"
Comments
Post a Comment