Si Apostol Pedro ba ang kinatuparan ng Isaias 22 :22 ayon sa Biblia?

 


Si Apostol Pedro ba ang kinatuparan ng Isaias 22 :22 ayon sa Biblia?


Basahin natin:


Isaias 22:22

"At ang katungkulan sa sangbahayan ni David ay iaatang ko sa kaniyang balikat; at siya'y magbubukas, at walang magsasara; at siya'y magsasara, at walang magbubukas."


Ayon sa hula ni Propeta Isaias magtitindig ang Diyos ng kanyang Lingkod at ang katungkulan SA sangbahayan ni David ay iaatang sa kanyang balikat at siya ang magbubukas at walang magsasara at siya'y magsasara at walang magbubukas..


-----


Sino itong inatangan sa kanyang balikat na magbubukas at ang magsasara.


Isaias 9:6

"Sapagka't sa atin ay ipinanganak ang isang bata, sa atin ay ibinigay ang isang anak na lalake; at ang pamamahala ay maaatang sa kaniyang balikat: at ang kaniyang pangalan ay tatawaging Kamanghamangha,Tagapayo,Makapangyarihang Dios, Walang hanggang Ama, Pangulo ng Kapayapaan."


-----


At alin ang kanyang bubuksan?


Sa kanya inatang ang karapatan magbukas ng aklat at ng pitong tatak.


Apocalipsis 5:1- 5

"At nakita ko sa kanang kamay niyaong nakaupo sa luklukan ang isang aklat na may sulat sa loob at sa labas, na tinatakang mahigpit ng pitong tatak. At nakakita ako ng isang malakas na anghel na nagtatanyag ng malakas na tinig, Sinong karapatdapat magbukas ng aklat, at magtanggal ng mga tatak nito? At sinoman sa langit, o sa ibabaw man ng lupa, o sa ilalim man ng lupa, ay hindi makapagbukas ng aklat, o makatingin man. At ako'y umiyak na mainam, sapagka't hindi nakasumpong ng sinomang marapat magbukas ng aklat, o makatingin man: At sinabi sa akin ng isa sa matatanda, Huwag kang umiyak; narito, ang Leon sa angkan ni Juda, ang Ugat ni David, ay nagtagumpay upang magbukas ng aklat at ng pitong tatak nito.


Ang ating Panginoong Jesu-Cristo ang kinatuparan ng Isaias 22:22 na siyang magbubukas at magsasara ng aklat siya ang Leon sa angkan ni Juda at ang Ugat ni David.


Apocalipsis 3:7, 14

" At sa anghel ng iglesia sa Filadelfia ay isulat mo: Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng banal, niyaong totoo, niyaong may susi ni David, niyaong nagbubukas at di mailalapat ng sinoman, at naglalapat at di maibubukas ng sinoman:"..."At sa anghel ng iglesia sa Laodicea ay isulat mo: Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng Siya Nawa, ng saksing tapat at totoo, ng pasimula ng paglalang ng Dios:


-----


At ibinigay rin ng ating Panginoong Jesu-Cristo ang susi ng kaharian ng langit SA kanyang mga Apostol ang anomang kanilang Talian sa Lupa ay Tatalian sa langit at anomang kanilang kalagan sa Lupa ay kakalagan sa langit.


Mateo 16:19 TLAB

" Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit: at anomang iyong talian sa lupa ay tatalian sa langit; at anomang iyong kalagan sa lupa ay kakalagan sa langit."


------


At ang susi ng kaharian ay ang susi ng KARUNUNGAN sa  paguunawa sa aklat na Natatakan.


Lukas 11:52

"  Sa aba ninyong mga tagapagtanggol ng kautusan! sapagka't inalis ninyo ang susi ng karunungan: hindi kayo nagsipasok, at inyong sinasansala ang nagsisipasok."


-----


Lukas 24:45

"Nang magkagayo'y binuksan niya ang kanilang mga pagiisip, upang mapagunawa nila ang mga kasulatan;"


-----


At anoman ang TALI na itatali ng mga Apostol dito sa Lupa.


Kawikaan 7:1-3

"Anak ko ingatan mo ang aking mga salita, at impukin mo sa iyo ang aking mga utos. Ingatan mo ang aking mga utos at mabuhay ka; at ang aking kautusan na parang itim ng iyong mata. Itali mo sa iyong mga daliri; ikintal mo sa iyong puso."


Ito ang TALI ng kautusan ng Diyos ang mga aral ng Evangelion.


Mga Taga-Roma 7:2 TLAB

"Sapagka't ang babae na may asawa ay itinali ng kautusan sa asawa samantalang ito ay nabubuhay; datapuwa't kung ang asawa'y mamatay, ay kalag na sa kautusan ng asawa."


Itinatali sa pamamagitan ng  aral ng evangelio ang sinomang nagiging alagad (Mateo 28:19-20)  at kinakalag sa pamamagitan ng pagtitiwalag ang sinomang sumusuway sa aral ng evangelio.( 1Mga Corinto 3:12-13 , Levitico 17:10)


Na siyang tali ng KAPAYAPAAN:


Mga Taga-Efeso 4:3 TLAB

"Na pagsakitan ninyong ingatan ang pakikipagkaisa sa Espiritu sa tali ng kapayapaan."


-----


Mga Gawa 10:36 TLAB

"Ang salita na kaniyang ipinadala sa mga anak ni Israel, na ipinangangaral ang evangelio ng kapayapaan sa pamamagitan ni Jesucristo (siya'y Panginoon ng lahat:)"


Comments

Popular Posts