Ano ang sabi ng BIBLIA ukol sa mga taong gumagawa ng pagpapahirap ng katawan sa panahon na tinatawag na semana santa:
Ano ang sabi ng BIBLIA ukol sa mga taong gumagawa ng pagpapahirap ng katawan sa panahon na tinatawag na semana santa:
Mga Taga Colosas 2:23
' Ang mga bagay na iya'y katotohanang mayroong anyo ng karunungan sa pagsambang kusa ,at sa pagpakababa ,at sa PAGPAPAKAHIRAP SA KATAWAN ;ngunit walang anomang kabuluhan laban sa ikalalayaw ng laman.-- "
-------
Isang taong INALIHAN ng masamang espiritu ,ang taong sumusugat ng kanyang sariling katawan:
Markus 5:5
At palaging sa gabi't araw, ay nagsisisigaw sa mga libingan at sa mga kabundukan, AT SINUSUGATAN ANG SARILI NG MGA BATO ---
------
Ang PAGBABAWAL ng Panginoon na sugatan ang ating katawan:
Leviticu 19:28
" Huwag ninyong kukudlitan ang inyong laman dahil sa namatay: ni huwag ninyong lilimbagan ang inyong laman ng anomang tanda; ako ang Panginoon. -- "
------
Ang pagpepenitensiya o pagpapahirap sa katawan ay isang uri ng pagsambang pagano at hindi mula sa Diyos :
I Mga Hari 18:26-28
"At kanilang kinuha ang baka na ibinigay sa kanila, at kanilang inihanda, at tinawagan ang pangalan ni Baal mula sa kinaumagahan hanggang sa kinatanghaliang tapat, na nagsisipagsabi, Oh Baal dinggin mo kami. Nguni't walang tinig, o sinomang sumagot. At sila'y nagsisilukso sa siping ng dambana na ginawa. At nangyari, nang kinatanghaliang tapat, na biniro sila ni Elias, at sinabi, Sumigaw kayo ng malakas: sapagka't siya'y dios; siya nga'y nagmumunimuni, o nasa tabi, o nasa paglalakbay, o marahil siya'y natutulog, at marapat gisingin.At sila'y nagsisigaw ng malakas, at sila'y NAGSIPAGKUDLIT AYON SA KANILANG KAUGALIAN NG SUNDANG AT SIBAT HANGGANG SA BUMULUWAK ANG DUGO SA KANILA .
-------
Bakit natin papahirapan ang ating mga sarili ginawa na ito ng Panginoon , Ang pagliligtas sa atin na siya ang pinahirapan dahil sa atin :
Isaias 53:3- 5
" Siya'y hinamak at itinakuwil ng mga tao; isang taong sa kapanglawan, at bihasa sa karamdaman: at gaya ng isa na pinagkublihan ng kanilang mukha ng mga tao, na siya'y hinamak, at hindi natin hinalagahan siya.Tunay na kaniyang dinala ang ating mga karamdaman, at dinala ang ating mga kapanglawan; gayon ma'y ating pinalagay siya na hinampas, sinaktan ng Dios, at dinalamhati.Nguni't siya'y nasugatan dahil sa ating mga pagsalangsang, siya'y nabugbog dahil sa ating mga kasamaan, ang parusa ng tungkol sa ating kapayapaan ay nasa kaniya; at sa pamamagitan ng kaniyang mga latay ay nagsigaling tayo"
-------
Ang ating katawan ay TEMPLO NG DIYOS NA BUHAY bakit mo ito sasaktan at susugatan ,ang sisira ng kanyang katawan ay parurusahan ng Diyos:
1 Mga Taga-Corinto 3:16-17
" Hindi ba ninyo alam na kayo'y templo ng Diyos at naninirahan sa inyo ang kanyang Espiritu? Paparusahan ng Diyos ang sinumang magwasak ng templo niya. Sapagkat banal ang templo ng Diyos, at kayo ang templong iyan."
------
Ang TAGUBILIN ng Biblia ukol sa pagiingat ng ating katawan :
I Mga Taga Tesalonica 5:21-23
" Subukin ninyo ang lahat ng mga bagay, ingatan ninyo ang mabuti; Layuan ninyo ang bawa't anyo ng masama. At pakabanalin kayong lubos ng Dios din ng kapayapaan; AT ANG INYONG ESPIRITU AT KALULUWA AT KATAWAN AY INGATANG BUO NA WALANG KAPINTASAN sa pagparito ng ating Panginoong Jesucristo."
Pinapaingatan ng Diyos ang ating mga sarili tungkulin natin na alagaan at ingatan ito:
Mga Gawa 20:28
" INGATAN NINYO ANG INYONG SARILI, at ang buong kawan, na sa kanila'y ginawa kayo ng Espiritu Santo na mga obispo, upang pakanin ninyo ang iglesia ng Panginoon na binili niya ng kaniyang sariling dugo. "
Mga Gawa 16:28
Datapuwa't sumigaw si Pablo ng malakas na tinig, na sinasabi,HUWAG MONG SAKTAN ANG IYONG SARILI: sapagka't nangaririto kaming lahat. --
Mga Taga Efeso 5:29
Sapagka't walang sinoman na napoot kailan man sa kaniyang sariling katawan; kundi kinakandili at minamahal, gaya naman ni Cristo sa iglesia; ---
Comments
Post a Comment